ILANG araw na ang lumipas ngunit walang tawag o mensahe mula kay Morgan. Hanggang sumapit ang araw ng kanilang kasal. Kahit kinakabahan si Aaliyah, sa maaaring mangyari ay idinaan na lamang niya sa pag-usal ng panalangin. Sana lang ay dinggin siya ng poong maykapal na ang araw na ‘yon ay ibigay sa kanila ng matiwasay at walang kahit anong sagabal na sisira sa mahalagang okasyon nila ni Nikolai. “Ready, Ms. De Lion?” “Yeah,” tipid niyang sagot sa wedding coordinator. Habang kasalukuyan siyang nakatayo sa pinakahuling linya sa tapat ng nakasaradong pinto ng simbahan. Nang tumunog ang isa sa mga napili niyang kanta ay bumukas iyon at nagsimula nang maglakad ang mga sponsor. Kasunod ang mga abay gano’n din ang mga flower girl and ring bearer. Pagkatapos ay sumunod ang favorite song nila ni

