Kasalukuyan sumasakit ang tiyan ni Aaliyah, nagtataka siya dahil masyadong maaga pa ayon sa itinakdang araw ng kaniyang panganganak. Ang ipinagtataka niya ay halos anim na oras na gano’n ang sitwasyon niya sasakit at mawawala. Ilang beses na sin siyang na-check ng kaniyang doctor ngunit walang pagbabago. Samantalang no’ng araw na ipinanganak niya ang triplets ay umabot lang ng ilang oras ay agad na nanganak. Sa kaso niya ngayon ay kanina pa siya lakad ng lakad sa vip room, dahil ayaw siyang payagan na sa labas maglakadlakad. Ayon sa kaniyang sikretong taga bantay ay napaka delikado sa kaniya sa labas. “Sweetheart, kumusta na ang inaanak ko?” Nalingunan niya si Bryle na kararating. “Inaanak mo, ninong na nga kayo ng triplets?” “Yes, inaanak ko iyang si Princess, dahil si babe Lyndon, ang

