HUMINGI ng paumanhin si Nikolai, sa butihing Chairman ng Gonzalgo VIP Private Hospital. Sa walang pahintulot na inilabas niya ang dalawang kapatid nang walang release papers. "Kumusta naman ang pasyente, hindi ba nanganganib ang lagay niya sa malayong biyahe na walang kasamang doctor?" "Maayos naman pong nakarating sa destinasyon, uncle at kaya ako naririto upang makiusap iyo na kailangan ko ng magaling na doctor upang mamonitor ng kalagayan ng kapatid ko." Sa mga doctor dito ay wala akong maibibigay sayo lalo at kumalat ang isyu tungkol sa nangyari. Takot sila, pero may ibibigay akong address puntahan mo at ikaw na ang nakipag-usap. Saka tatawagan ko rin siya upang ipaliwanag at ipaalam ang pagdating mo." "Salamat po Chairman." "Walang anuman hijo, mag-ingat ka." I will, uncle 'bye.

