SAMANTALA, “Brent! Umamin ka, involve ka ba sa nangyari kay Nikolai Montemayor?” “Oh, San Sebastian, kumusta ang famous detective, prosecutor, investigator, X- CIA… “G*go! Pag napatunayan kong isa ka sa kasabwat sa nangyari kay Montemayor. Magtago ka na sa pinaggalingan mo dahil sa pagkakataong ito ay papatayin kita! Total isa kang fugitive, baka pasalamatan pa ako ng batas pag pinatay kita!” “Huwag mo akong takutin San Sebastian, hindi ang kagaya mo lang… “Asshole!” Dalawang malakas na suntok ang pinakawalan ni Anthony, talagang sinusubukan siya ng tarantadong ‘to.” “Sira pala ulo mo eh! Bakit may katibayan ka na kasabwat ako?” “Patikim pa lang ‘yan Brent, at sana lang wala kang kinalaman. Hindi kita isusuplong sa awtoridad, dahil gusto kong ako mismo ang papatay sa’yo!” “Bakit mo

