ONE month later… Wedding day. “Brother, huwag mong sabihin na kinakabahan ka?” “Hindi naman Kuya JB, medyo lang.” saka ngumiti sa kapatid na panganay. “Ano ‘yan hindi ka matigil sa kakalakadlakad, tense na tense ka yata eh.” “Siguro dahil iniisip ko ang magiging reaksyon ng asawa ko.” “Perfect nga Kuya Niko, bakit ka pa kakabahan. Kahit sinong bride pag ganito ka ganda ay baka maiyak pa sa sobrang saya.” “Bakit, may plano ka na bang mag-asawa at mukhang may idea ka tungkol sa kasal?” “Hindi ah, paano ako mag-aasawa na isa akong Pari?” “Walang nakakaalam ng maaaring mangyari brother. Baka isa sa nagsisimba o nangungumpisal ay chicks at bigla kang ma-in love huh!” “Malabong mangyari, sa Diyos lang ako in love, Kuya Niko.” sabay tawa ni Nickolas, sa kapatid. “Hey! Pinsan congratul

