NAGTATAKA si Nikolai, sa kilos ng kaniyang asawa. Ngayon lang niya ito tinuruan ng basic sa self defense ngunit sa tingin niya ay marunong naman. Baka naman talagang may alam ito at ayaw lang ipaalam sa kaniya? Kung gano'n ano ang sinasabi nito na naiinggit sa kapatid dahil wala raw itong kaalam-alam? Pero kanina habang tinuturuan niya ay marunong naman, o baka namang fast learner talaga ang asawa kaya mabilis matuto? "Bakit nakatitig ka sa akin, Niko?" kinakabahan siya sa klase ng tingin sa kaniya ng asawa. Nahahalata na kaya siya nito na hindi baguhan? "Wala naman baby, natutuwa lang ako kasi mabilis kang matuto. Meron akong susunod na ituturo sa'yo, kaya galingan mo okay?" "Ha? I mean hindi ba ako mababalian ng buto?" "Bakit natatakot ka ba?" "Hindi naman kasi ikaw ang teacher ko

