HINDI NAMAN na nagtagal pa si Athena sa hospital, pagkaraan ng dalawang araw ay pinalabas na ito subalit nasa pangangalaga at pagbabantay pa rin ng hospital. Hindi niya ito magawang iwan, dahil nais niyang maalagaan ito nang lubos. Isang beses lamang siya umalis habang nasa hospita ito. Ito ay ang araw na kumuha siya ng mga damit at mga gamit para sa kanilang dalawa. “Ayos lang, Lucas. Hindi ako pilay,” iritableng puna ni Athena nang mapansin ang sobra-sobra niyang pag-alalay rito nang bumaba ng sasakyan at maglakad sila patungo sa elevator. “Ang hirap naman ng ganito.” Malalim itong bumuntong hininga. “I know,” tugon niya rito ngunit hindi bumitaw sa mga braso nito na hawak-hawak niya. “Ito ang sabi ng doctor mo, hindi ka p'wedeng magkikilos. You’re pregnancy is in high-risk. Ayokong ma