HULI na ba ang lahat upang matauhan si Gabriel sa nagawa? Matapos niyang makausap ang anak ay ganoon na lamang ang kaniyang pagsisisi sa nagawang kamalian. Kung nalaman niya lamang kaagad ang tungkol sa pagdadalang tao ni Athena ay hindi niya babalaking gawin ang ginawa. Nabulag siya sa mga sinasabi noon sa kaniya ni Gil sa mga pananakot nito. Naging duwag siya at pinabayaan ang anak nang mag-isang harapin ang mga problemang siya at si Gil ang may dulot. “I’m so sorry, I didn’t know. Nabulag ako sa kagustuhang maibalik ka sa Elysian, bigyan ka ng magandang buhay at pagbatiin kayo ni Gil.” “Kahangalan ang ginawa n’yo, Papa! At kung may mangyari mang masama sa mag-ina ko, hinding-hindi kita mapapatawad.” Tumayo si Lucas at naglakad patungo sa bintana na puno ng rehas. Pinasadya niya iyon s