"We already have the result, Mr. Evans." Isang boses ang gumising sakin. Hinanap ko ang pinagmulan ng boses. Katabi ko lang pala. Isang doktor. At kausap niya si Lui. "Mayroong Chronic Leukemia ang pasyente. But to be specific, isang acute lymphoblastic leukemia ang dinadala ng katawan niya." "Anong ibig sabihin nun, Doc?" Lui. Tumayo na si Rio at mukhang nacurious tungkol sa sakit ko. Mayroon akong...leukemia...? Sinagot naman ng babaeng doktor ang tanong, "Bata pa lamang siya ng magsimula ang sakit na ito sa kanya. At sa totoo lang, mga bata ang nakakaramdam ng sakit na ito. Ang ibig sabihin, bata pa lamang ang pasyente nang maramdaman niya ito. May abnormalities na nagaganap sa kanyang white blood cells." Tahimik lang ang magkapatid. Mababakas sa mga mukha nila ang pagaalala. Ta