"Sweetie is our long lost daughter.." Maluha luhang sambit ni Mrs. Richards. Umalingawngaw ang mga salitang iyon dala ng katahimikan. At ang tanging naisagot na lamang ni Cezzie ay, "No way.." Napatakip siya sa kanyang bibig. Sakto namang pababa sa napakahaba at kulay gintong hagdan sina Sweetie at Melo nang mapatigil din ang mga ito sa kanilang narinig na rebelasyon ni Mrs. Richards. "How did you know she's her, Mom?" Tukoy ni Cezzie sa kanyang nawawalamg kapatid. "Tell me it's not true!" kung maaari lamang ay gusto ng magising ni Cezzie kung sakaling panaginip lamang ang nangyayari ngayon ngunit mukhang ayaw umayon sa kanya ng realidad. "Siya nga, Princess. Siya ang kapatid mo." Tugon ng nangungulilang ina. "May DNA result akong hawak. Tanda nyo pa nung araw na nawalan siya ng malay a