Three days akong absent. Off rin ang cellphone ko. Ni hindi ako nagpakita kay Rad. Natatakot ako at nahihiyang humarap kay Rad. Gustong gusto kong sabihin sa kanya ang ginawa ni Franko sa akin pero hindi ko magawa. I am so scared. Umuwi na kahapon si Veron sa US. Kahit paano ay medyo naging close kami. Lalo na kahapon. May nagdoorbell sa pinto kaya napapitlag ako. Narito ako sa counter at umiinom ng wine.Mugto ang mata ko wala din akong masyadong tulog. Binuksan ko ang pinto at nagulat ako nang makita kong sino ang nag-doorbell. "Cas." I uttered. Agad agad siyang pumasok sa loob. "Frix." Her voice is full of concerned. Tinignan niya ang buong katawan ko. "Ano? May sakit kaba? Ilan

