"Kalat sa buong school yung nangyari Frix! Kaloka! Hindi pa pala naka move on yang si Franko sayo." Sabi ni Loisa. Nasa gym kami ngayon at manonood nang basketball. Final championship na ngayon nang Mt. Carmel at HMU. Wala parin si Rad. It's almost two weeks. Hindi niya na din ako masyadong nacontact. Pero pilit ko pading inintindi kahit sobrang miss ko na siya. Talagang busy lang siguro siya. "It's all my fault. Kung hindi lang sana ako nakipagpustahan edi sana walang ganap na Frixie at Franko noon." Sabi ni Cassy sa amin. Nakaupo kami sa bleachers kung saan nagsisigawan at tilian ang mga studyante. Hindi rin kami magka rinigan dahil sa mga kalampag ng mga estudyante. "My gosh nandiyan na sila!

