"SERIOUSLY, Mei? To the extent na magpapahalik ka sa kanya para lang sa hidden agenda mo?" As expected, sermon ang inabot ni Meiryn mula sa best friend na si Austin nang makaalis na si Grant at pumasok naman sila sa loob ng kanyang bahay. Nilingon niya si Austin na nakasunod sa kanyang likuran. "Aus, napag-usapan na natin 'to, 'di ba? I'm okay and I'll always be. Huwag mo na akong masyadong alalahanin. Besides, malapit na ako sa balak ko, Austin, konti na lang talaga, at kapag nakuha ko na ang gusto ko, titigilan ko na talaga 'to." He stared at her eyes with a gentle expression. "You sure you won't fall in love with him?" Umiwas siya sabay pasimpleng nagkisap ng mata. "Well, I'm sure, kasi kapag na-in love ako, 'di ko na dapat pinu-push through ito, 'di ba?" Austin came closer to her a