TUMULO ang mga luha ni Meiryn sa kaba sa nais mangyari ni Grant. “No, please…” Disgusted, Grant pushed her with a bit force kung kaya’t natumba siya sa malamig na sahig. “Kung akala mo’y madadala mo ako sa mga pang-aakit mo kagaya ng dati at magpapauto na lang ako sa ‘yo, nagkakamali ka. Hindi na ako ang Grant Lorenzo na nakilala mong magmamakaawa sa pagmamahal at sa atensyon mo. Ilang beses kitang pinagbiyan at binigyan ng pagkakataong ayusin mo ang sarili mo pero lahat ng ‘yon, binalewala mo lang, kaya asahan mong umpisa pa lang talaga ‘to ng lahat, Meiryn. I’m gonna make you taste a dose of your own medicine!” Sunod-sunod na sinabi nito habang galit na idinuduro siya. “I’ll be your greatest karma in this lifetime, tandaan mo ‘yan!” Inayos pa nito ang collar ng suot na suit and tie ba