Hindi makapagsalita si Meiryn at napapailing na lang sa pinagsasasabi ni Grant. How can he be so biased and one-sided nang hindi muna pinaiimbestigahan man lang kung ano talagang tunay na nangyari?! D*mn him, really! Nang tingnan niya si Elly ay nagmamalaking naka-victory grin na ito sa kanya. Pinanigan kaagad ito ng boss, eh! Grant even demanded her to do something that’s very against her will. “Now, apologize to Miss Lasperez para matapos na ang gulo ninyong ito at makabalik na rin kayo sa kanya-kanya ninyong mga trabaho.” “What?!” Natawa na naman siya ng pagkasarkastiko. “What?! Ako? Mag-a-apologize sa kanya? For what? Hindi mo pa nga nalalaman kung ano talagang totoong nangyari, eh, tapos papanigan mo kaagad ang sinasabi niya!” Umigting ang panga ng binata. She glared at both of