18- "Naghalungkat."

1205 Words

KINABUKASAN, ganoon na lamang ang pagkadismaya ni Grant nang una ay hindi niya nahagilap si Meiryn sa coffee shop kung saan palagi niya itong nakikita, pinagmamasdan mula sa malayo, at nilalapitan para kamustahin at sabayan. Nang lunch time nama’y hindi pa rin niya nakitang bumababa man lang ang dalaga mula sa suite nito kaya naisipan niyang baka nag-order iyon at nagpaakyat na lang ng makakain. Nagpasya tuloy siyang puntahan na ang mismong room nito. “Yes, Sir? May hinahanap ho ba sila?” tanong ng isang tenant. Kunot ang kanyang noo nang sumilip sa loob ng nakikitang nakabukas na suite ng dalaga at wala nang anumang laman doon maliban na lamang sa mga puting linen at mga gamit ng hotel. Pinapalitan na ang mga bed sheets at ang mga essentials na naroon at nililinis na ng mga babaeng tena

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD