Seryosong titig na titig sa mga mata ni Meiryn ang kanyang asawa... Naglandas ang kanyang mga luha. “Ikaw ‘yon, Grant. Ikaw ang gusto ko…” sa wakas ay buong pusong pag-amin niya. “Akala ko kapag naabot ko lahat ng mga ambisyon ko,, magiging masaya na ako… but I realized they were all useless kung ikaw naman ang lumalayo at mawawala sa akin. Hinding-hindi pa rin ako makukuntento at totoong magiging masaya kung ikaw ‘yung hindi ko maaabot, Grant.” Hindi ito makapaniwala, namula na rin ang mga mata nito sa nagbabadyang mga luha. Pinaghalong galak, tuwa, pagmamahal, at kalungkutan ang nadarama nito. Kalungkutan dahil may isang bumabagabag sa utak nito. “But I thought it’s Austin… Paano na si Austin, Mei? Hindi ba’t siya ang mahal moー” “Oh, Grant!” she frustratedly murmured but she coul