INABALA ni Meiryn ang sarili sa pagtatrabaho nang mga sumunod na araw para kahit papaano makatakas mula sa stress ng mga iisipin. Ngunit nadagdagan lang yata ang kanyang stress nang pumasok siya sa Finance Department at nakausap niya ang CFO ng kompanya na siyang in-charge at nagbabantay at may control sa lahat ng financial expenses and transactions ng Montevalle CAB. “Thirty million na lang ang natitira sa safe? Anong nangyari at bakit naging ganoon ka-baba?” “Last year, your father requested ten million, na hindi ko naman alam kung saan napunta, but he just asked for it, and since he’s the President, I couldn’t do anything but released what he was asking me.” Nakunot ang noo ni Meiryn. Kumuha ng ten million ang daddy niya last year, pero bakit at saan ginamit? “And just few months ag