SA awa ng Diyos, nagising na rin at tuluyan nang nagpapagaling ang daddy ni Meiryn. Siya kaagad ang una-unang hinanap ng ama nang magmulat ito ng mga mata matapos ng ilang araw na nag-recover ang katawan at puso nito sa naging successful operation nito. Kalauna’y nabanggit at nakuwento niya rito ang tungkol sa pakikipagkasundo niya kay Grant para sa lahat ng gastusin at pagbabalik nito ng negosyo nila sa kanilang pangalan pati na mga ari-arian nilang nakasangla, at siyempre, ang hiningi ng lalaki na kapalit sa lahat ng mga ginawa nito para sa kanilang mag-ama at masalba sila lalo na ang buhay ng daddy niya. “You’re now married to Grant Lorenzo?” malungkot na tanong nito. She nodded. “‘Yon po kasi ang hiningi niyang kapalit at kondisyon.” Hindi tuloy nito maiwasang sisihin ang sarili ni