“Good morning, Sir,” the guards, and everybody na nadaraanan nila ay binabati si Grant. Dire-diretso lamang naman sa paglalakad ang binata na tila hindi alintana ang mga nasa paligid, basta nakahawak lamang sa kanyang kamay at nagpapatianod naman siya rito. Pati interior designs and set-up ay hindi rin nakaligtas sa pansin ni Meiryn. Everything looks expensive, grabe! Kung bongga ang Montevalle, mas grabe pa pala itong Lorenzo ngayong nakaapak at nakapasok na mismo siya rito sa loob! “Good morning, Sir Grant.” “Uy, sino siya? Siya na ba ang girlfriend ni Sir?” “Siguro. Ang ganda naman. Sana all.” “No wonder. Bagay sila. Ang gwapo ni Sir Grant kaya natural na maghahanap din ng babaeng walang kasing ganda.” Hindi rin nakaligtas sa pandinig ng dalaga ang usap-usapan sa mga empleyado ng