Wala nang nagawa si Elise. Kinabukasan nga ay maagang maaga palang nang sinusundo na siya ni Kier sa maliit na apartment na tinutuluyan niya. Simula noong tumapak siyang muli sa Manila ay dito na siya tumira. Maayos naman ang kaniyang tirahan at malinis kahit maliit lang. Safe din naman sa lugar at mabait ang kanilang matandang dalagang landlady na si Aling Sora. "Ikaw ang nobyo ni Elissa? Nako! Sinasabi ko na nga ba. Sa ganda ng batang 'yon ay imposibleng walang jowa—iyon kasi ang sabi niya. Pero syempre ay hindi ako naniniwala!" Iyon ang naabutan ni Elise nang makababa siya sa kaniyang tinutuluyan. Kier's car was parked just outside their gates at nasa labas ito ng sasakyan kausap ang kaniyang landlady. Naabutan niyang iniilingan ni Kier si Aling Sora ngunit patuloy lang ito sa pan