"Elise?" agad napatayo si Mara mula sa pagkakaupo nito sa sofa nang makita siyang lumabas ng kwarto. "Saan ka pupunta?" Nakabukas ang television sa sala at mukhang doon muna inabala ng kaibigan niya ang sarili nito dahil hindi rin naman siya nito makausap. Ilang araw na siyang nagmumukmok sa kwartong pinatuluyan sa kaniya ni Mara sa bahay nito. "May kikitain lang ako, Mara." She gave her a smile to assure her. Agad niya kasing nakitaan ng pag-aalala ang kaibigan. Nasa trabaho pa si Mike at nagpapahinga naman ngayon si Mara kaya nasa bahay lang ito—o siguro sinamahan at binabantayan siya nito. "Huwag kang mag-alala, Mara. Kukunin ko narin ngayon ang mga naiwan kong gamit sa unit... ni Stefan." tipid na ngumiti si Elise sa kaibigan. Agad itong kumilos. "Sasamahan kita—" Maagap din n