Kung kailan matutulog na ako, saka naman gumising si Prince. Dumede na naman siya at nag-poop pa kaya pinalitan ko siya habang nakasuot ng face mask. Tama si Kuya, training ko nga itong anak niya. Sumuka pa kaya pinalitan ko naman siya ng damit. Tinimplahan ko ulit siya dahil naghahanap na naman ng dede. Nang maubos niya ay nag-poop na naman. Namewang ako. "Buti na lang love ka ni Tita," sabi ko bago sinisimulang linisan siya. Pinalitan ko na din ang kaniyang pajama bago ko siya binalot ng blanket. Hindi pa din siya inaantok. Nakadilat siya at umuungol kaya kinarga ko siya. Kawawa naman ang baby namin. Baka nami-miss na niya ang Mommy niya. Baka umiiyak na din ang kaniyang Mommy ngayon. I sighed. Sana bumalik siya. Sana hanapin niya ang baby at bawiin. Ala-una na ng matulog ang b