"Baby..." sambit ng magdadalawang taong gulang kong panganay. Nakangiti kong hinaplos ang kulot at kulay mais niyang buhok. Tiningala niya naman ako, ngumiti siya ng matamis bago binalik ang tingin ng magaganda niyang mata sa kaniyang kapatid na tatlong araw pa lang na napapanganak. "Mammee, beybee?" Hinawakan niya ang maliit na kamay ng kaniyang kapatid. Umunat naman si Beau. Napangiti ako. Ang cute talaga ng mga anak ko. "Yes, Dior. He's your new baby brother." Ngumuso ang mapula at maliit niyang labi. Pinilig din niya ang kaniyang ulo. "Beybee bradah?" "Opo. He is Beau Alexander. Say hello to your brother." "Hello bradah!" Tinapik niya ang tiyan ni Beau. Mahina lang naman. Umunat uli si Beau at napahagikgik si Dior dahil doon. "Do you love your baby brother?" Ngumuso siy
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


