8: Evil plan

1627 Words
Inaantok pa ako, pero ginising ako ni Mommy para lang sermonan. Nandito silang tatlo sa aking silid. Nalaman nila ang nangyari sa club kagabi. Hindi ito ang unang beses na nasangkot ako sa gulo. Pero sa lahat ng mga gulo, never akong nanguna. Nataon lang na mas malakas ako kaysa sa mga babaeng iyon kaya ako ang nagmumukhang masama lagi. Anak ng kilalang negosyante ay isang warfreak, ito ang lumabas noon na headline patungkol sa akin. Pero hindi pa umabot ng ilang oras, napabura na ni Daddy ang mga articles na 'to. Nakita na nila ang kuha ng cctv, kung saan nilapitan ako ng mga babae sa labas ng club, pero napagalitan pa din ako. "Tinalo mo pa ang Kuya mo!" sermon ni Mommy. Nakatayo lang naman sina Kuya at Daddy sa may gilid, habang patuloy sa pagsasalita si Mommy. "Napabura na ni Bjorn ang mga lumabas na videos," sabi ni Kuya. Bjorn? Tama ba ang nadinig ko? At bakit naman ginawa iyon ng lalakeng iyon? Tsk! Malamang, involve ang isa sa flings niya kaya gumawa siya ng paraan. "Say thank you to Bjorn," sabi ni Mommy. Lumabas na ito ng kuwarto ko. Sina Kuya at Daddy naman ay naiwan muna. Tiningnan nila ang maliit kong sugat sa aking leeg. "Malayo 'to sa bituka, Dad..." Sinamaan ako ng tingin ni Kuya. Nilabas niya ang medicine kit at nilinis ang sugat ko. Naiinis din si Kuya sa akin, dahil sa nangyari pero hindi naman niya ako matitiis. "Huwag ka ng lalabas pa ulit." "What?" Plano pa man din namin ng mga friends ko na lumabas mamayang gabi. Pinahaba ko ang nguso ko pero mahina itong pinitik ni Kuya. "Kuya!" reklamo ko. Umiling-iling si Daddy. "Kung pumasok ka kaya muna sa kompanya, habang hindi pa nag-o-operate ang business mo, para naman may iba kang ginagawa." "Ano naman ang gagawin ko doon, Dad? Tutunganga maghapon?" "Why not? Kaysa kung ano ang iniisip mong gawin. And by the way, nabalitaan mo na din siguro na may girlfriend na si Lance." Pinaalala pa niya talaga. "Kuya, tulungan mo ako kay Lance, please..." pakiusap ko sa kapatid ko. "Tanggapin mo na lang na hindi ka talaga niya gusto. Ayaw niya sa spoiled brat na kagaya mo. Gusto n'on iyong wife material." "Wife material naman ako, ah!" giit ko, pero tinawanan lang nila ako. "Nilinis ko ang apartment niya, 'tapos pinagluto ko din siya ng paborito niyang ulam." Ngumiwi si Kuya. Kung hindi pa in a relationship ang kaibigan niya, tiyak na sesermunan niya ako. Si Daddy naman ay natatawang umiling. "Ayaw niya ng magastos at mahilig mag-party." "Eh, pera ko naman ang ginagastos ko. Pero kaya ko namang hindi mag-shopping. Madami pa akong mga damit na hindi ko nasusuot." "Ayaw niya ng babaeng magarbo. Ayaw niya ng high maintenance." Sinamaan ko ng tingin si Kuya. "Hindi naman ganoon si Lance. Ikaw nga itong maarte." "Kuya, sige na, tulungan mo ako kay Lance." "Reigna..." Pinanliitan niya ako ng mga mata. "Ayaw ko si Lance para sa'yo..." diretsahan niyang sabi. "Why? He's a good guy, Kuya. And he's your friend." "The more that I don't like him for you." "Daddy! Baka magawan mo ng paraan." "Your Kuya is right, baby. Iyong anak ng kumare ng mommy mo ayaw mo ba? He's a smart young man." "Ayaw ko doon." Suminangot ako. "Ayaw ka din ni Lance," singit ni Kuya, bago siya tatawa-tawang lumabas ng room ko. Ganito lang ako pero nasasaktan ako na may mahal na si Lance. Ang tagal kong hinintay noon na maging single siya, since his last relationship. Napatili ako sabay hagis ng mga unan ko. Hindi maari 'to. Hindi ako susuko! Kailangang mapasaakin si Lance! Nag-drive ako hanggang sa clinic ni Lance. Tumawag siya sa akin para tanungin kung kailan ko kukunin ang aso ko. Parang ayaw ko ng kunin ang dog, dahil siya lang naman ang dahilan ba't gusto kong mag-adopt. Kahit hindi naman ako animal lover. Tapos nadatnan ko pa ang assistant niya na karga-karga ang aso ko. Gusto kong agawin dito si Lalo, kaso kailangan kong panindigan na mabait akong tao. "Hi!" bati ng babae sa akin. "Hello. Si Lance?" "Lumabas po, pero babalik din iyon before lunch." Bukod sa pagiging vet, tumutulong din siya sa kompanya ng kaniyang Daddy. Nakangiti ang babae habang titig na titig sa akin. Gusto ko siyang irapan, pero nginitian ko na lang din siya kahit pilit. Hindi naman siya kagandahan, pero ano ang nagustuhan ni Lance sa kaniya? Nasa five two lang ang height. Hindi din ganoon ka-sexy. Nasa average lang ang kaniyang mukha. "Ang ganda mo..." sabi niya as if I didn't know. "I heard that a lot," I answered while avoiding her gaze. Sinubukan kong kunin sa kaniya ang aso, pero ayaw nitong sumama sa akin. Bad dog! Naka-brace din ang babae. Madami siyang sungki, kaya nagmukhang madami ang kaniyang ngipin. What the heck did Lance like about this woman?! Naiinis ako! "Come to mommy, Lalo..." Kaso ayaw talaga nitong sumama sa akin. "Hindi yata niya gusto ang kaniyang name." Tumawa ang babae. Mas marunong pa siya sa akin. Bunutin ko pa ngipin niya, e! "Oh, hi, Bjorn!" nakangiting bati ng babae sa tao na nasa aking likuran. Dumating si Bjorn. Ano naman kaya ang ginagawa niya dito? Naalala ko na naman iyong babae niya na may dahilan, kung bakit may sugat ako sa aking leeg. "Hi," bati din ni Bjorn sa babae pero nasa akin ang tingin. Huh! What's wrong with him? Ba't niya ako tinitingnan? Kinuha niya ang aso mula sa babae at sumama din ang pasaway na aso sa kaniya! Bad bad dog! "Good dog." Hinimas-himas niya ito. Nginisihan niya ako nang makita ang inis sa aking mukha. Nag-usap sila ng babae. And I feel so out of place. Nagtatawanan pa silang dalawa. Eh 'di, kayo na ang masaya. Mga baliw! Wala namang nakakatawa sa pinag-uusapan nila! Makaalis na nga lang! Wala din naman si Lance dito. "Oh, saan ka pupunta?" tanong niya nang paalis na ako. Tiningnan ko lang siya pero hindi ako nagsalita. "Uuwi ka na? How about your dog?" Humakbang ako, para kunin ang aso pero ayaw talagang sumama sa akin! It's so annoying. "Alam niya na hindi ka animal lover," pang-iinis pa niya sa akin. Bahala ka nga diyan! Aalis na ako. Nakarating ako sa jewelry shop ng aking kaibigan, dahil ayaw ko pang umuwi muna. Titingin na lang ako sa mga jewelries niya, baka may magustuhan ako. "Hi, Ma'am!" Sinalubong ako ng kaniyang staff. "Where's Raffa?" "Nandoon po sa showroom." "Sige puntahan ko na lang." Pagpasok ko, natigilan ako nang makilala ko ang lalake na kasama niya. Ang kaniyang ex. At may kasama itong babae, magkahawak kamay sila. Binalik ko ang tingin ko kay Raffa. Nakangiti siya pero kung hindi ko siya kilala, iisipin ko na hindi siya affected. I know deep inside she's crying. "Hi!" Kilala ako ng lalake. Ngumiti ito at tumayo upang makipag-beso beso sa akin. Pinakilala din niya sa akin ang kaniyang girlfriend. Kagaya ng girlfriend ni Lance, hindi din ito kagandahan. What's wrong with these guys? Mga walang taste. Pagkatapos pumili ng design para sa kanilang wedding ring, umalis na ang mga 'to. Doon pa lang nakahinga nang maluwag si Raffa. Sumandal siya at tumingala sa kisame hanggang sa tuluyan na siyang umiyak. "Don't cry for that jerk!" pang-aalo ko naman sa kaniya. "I still love him, Reigna," garalgal niyang sagot habang patuloy sa pag-atungal. "But he doesn't love you anymore. Isang taon na kayong hiwalay." "I know, pero masakit pa din." Iyong advice na binibigay ko hindi din naman applicable sa akin. Walang magmu-move on! "Alam mo, mag-inom na lang tayo," aya ko sa kaniya. "Ang aga pa. Saka hindi ka ba grounded dahil sa nangyari?" "Eh di, doon na lang tayo sa condo mag-inuman." May binili kaming condo nang college kami. Ito ang aming hide out. Hindi ito alam ng aming mga family. Kaya nga tinawag namin itong hide out. After work dumating din ang isa pa naming kaibigan. Nagbibigay siya ng advice kay Raffa. Kung ako sinasabi ko, move on, siya naman ay kabaliktaran. "Kung gusto mo pa siya, e di, agawin mo. Tulungan ka pa namin. Di ba, Reigna?" "Huh?" Wala akong idea sa sinasabi niya. "Ganito ang gagawin mo. Di ba mahilig iyon mag-bar kasama ang kaniyang mga friends niya? Kapag nalasing na siya, iuuwi mo siya dito. Tapos may mangyayari sa inyo." Oh! Kung gawin ko kaya iyon kay Lance? Kapag ginawa ko iyon, tiyak na pananagutan niya ako. Syempre hindi papayag ang parents ko at ni Kuya na hindi niya ako panindigan. Dahil kaibigan din ng mga magulang ko ang parents niya, tiyak na sasabihin din nila na pakasalan ako ni Lance. "Hoy, gaga! Iba iyang ngiti mo, ah!" puna sa akin. Ngumisi ako. "Tulungan niyo ako. Pipikutin ko si Lance." "Sabi na, e." "Tulungan niyo lang ako, sagot ko na ang trip to Europe niyo, for one month all expenses paid!" "Are you sure about this? You know... If gagawin mo ito, tiyak na ipapakasal kayong dalawa. That also means hindi ka na magiging malaya. You're still young. Do you want to settle na? Tapos Lance already have a girlfriend." "I will be Mrs. Lance Castillo!" sabi ko naman. "Mukhang seryoso nga siya..." Nagkatinginan ang dalawa. "Sige, we'll help you, but we need to plan first." "Pagkatapos ko, ikaw naman ang tutulungan namin," sabi ko kay Raffa kaso umiling siya. "Seeing you being so desperate? No thanks! I'm not doing that. Matino pa naman ang pag-iisip ko." "Ikaw din. It's your lost," sabi ko naman. "No, baby. It's his lost." Nakangisi na ito. Ngising akala mo hindi umiyak kanina. Pero ako, itutuloy ko pa din ang plano. Hindi ako makapapayag na sa babaeng iyon mapupunta si Lance. I deserve Lance!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD