Kasama ko ngayon sina Mommy at Tita dito sa isang boutique ng kakilala nilang fashion designer. Dito kami kukuha ng mga damit na gagamitin para sa prenup bukas. Wala pa din ako sa mood hanggang ngayon, kaya mabuti na lang at wala si Bjorn. Hindi ito sumama, baka busy sa work. And what would I expect with that man? At kung ako lang din tinatamad din ako, kaso ayaw ko namang maging katawa-tawa ang prenup and wedding ko. Hindi ako makakapayag na basta-basta lang ito. Lima ang napili ko. Dahil may iba pa kaming kailangang asikasuhin, umalis na kami agad. Sunod naming pinuntahan iyong sa boutique naman para sa damit ni Bjorn. Wala akong nagustuhan sa shop sa kinuhanan namin, kaya maghahanap ng iba. Pagpasok namin sa shop ay sakto naman ang pagdating niya. Hinubad niya ang kaniyang necktie