Napasinghap ako sa ginawa ni Kuya. He took off Lianne's necklace. At maging si Lianne ay gulat na gulat din sa nangyari. Hindi siya nakagalaw at namalayan na lang niya na hawak na ni Kuya ang kuwintas. "Bakit mo kinuha? Akin iyan!" inis na sigaw ni Lianne. Kuya just smirked. Akmang aagawin ito ni Lianne sa kaniya nang umiwas si Kuya. "Really? Paano naging sa'yo 'to? Tell me," mapaglarong sabi ni Kuya habang nakataas ang kaniyang kilay sa babae. "Binili ko iyan!" giit naman ni Lianne. I sighed and shook my head. Saan ba humiram ng mukha ang babaeng ito, dahil ang kapal! Grabe! "Are you sure? Magkano mo ito nabili at saang shop mo ito nabili?" Kuya was playing with her. At bilib na din talaga ako kay Lianne. "Oo nga akin nga iyan. Sa ano... Nabili ko iyan sa ano..." "This is no