"Dadating sa weekend dito sa Pinas iyong isang sikat na designer na kilala ko. Ilang sikat na personality na ang nagawan niya ng gown at lahat ng iyon ay sobrang gaganda!" Nakatulala ako habang nakatingin sa mommy ni Bjorn. Why is she so excited about the wedding? Gusto kong bumuntong hininga, kaso ayaw ko namang may masabi sila sa akin. At baka mamaya umeksena na naman si Kuya. Masama pa man din ang timpla ng mukha niya. Napatingin ako kay Bjorn na tahimik lang sa tabi ko. Nang mapansin naman niya akong nakatingin ay sinulyapan niya ako at tinaasan ng kilay. Wala ba siyang gagawin para hindi matuloy ang kasalang 'to, na parehas naman naming hindi gusto? "Magpa-schedule ako. Reigna," agaw ni Tita sa pansin ko. "Ah, pupunta po kami ni Daddy sa planta next week, Tita," magalang kong