BJORN "Bakit niyo tinitingnan ang kapatid ko?" naiinis na tanong ni King sa amin. Humarang pa siya sa aming harapan. Ang bilis magdalaga ni Reigna, parang kailan lang ang liit-liit pa niya. Ngayon matangkad na siya at nagsimula nang magkaroon ng kurba ang kaniyang katawan. She look like a princess. Mukha siyang anghel, pero hindi umayon sa kaniyang ugali ang kaniyang mukha, dahil maldita siya at brat. But I can't blame her if she grew up like that. Nag-iisa siyang anak na babae ng mga Miguel. She's their princess, kaya naman nasusunod lahat ng gusto niya. Nandito kami ngayon sa garden ng mansyon ng mga Miguel. Alas-singko pa lang ng hapon pero nagsimula na kaming mag-inuman na magkakaibigan. Sina Reigna naman kasama ang kaniyang mga school mates ay nakaupo, malapit sa swimming pool.