Maaga akong umalis ng bahay, because I don't want to see everyone, after what happened last night. Nagpunta ako sa condo naming magkakaibigan. It's still early kaya nag-pilates na muna ako. After that I went back to sleep, while waiting for the girls to come. Walang pagkain dito kaya nagbilin na ako sa kanila na mag-take out ng pagkain. I was still upset. I hate to admit it, but I was lonely. Tanghali na nang dumating ang dalawa. Ang dami nilang dalang pagkain at may alak pang kasama. "So, what happened?" tanong nila. Ayaw kong magkuwento kahit na sobrang kulit ng dalawa. Baka kasi kantyawan lang nila ako. Baka masabihan pa akong loser. Walang loser sa amin, kahit pa hindi napunta sa amin ang mga lalakeng aming nagugustuhan. "Ano'ng in demand na business ngayon?" pag-iiba ko sa