Hindi ako lumalabas ng room ko, kapag nagpupunta sa bahay ang mga kaibigan ni Kuya. Sinusumpa ko na hinding-hindi na magku-krus ng landas namin ng pangit na iyon.
Nabalitaan ko na umalis ito ng bansa, kaya nakakakilos na ulit ako ng maayos.
Madalas kong puntahan si Lance sa kaniyang apartment, which is on the sixth floor. Pinagluto ko siya ulit.
"Nag-abala ka pa."
"Not at all. I love cooking..." And I love you.
Inayos ko ang suot kong long sleeve blouse, dahil sumilip ang talsik ng mantika. Pinagluto ko siya ulit ng sinigang sa misu na paborito niya at sinigurado ko na matitikman niya.
"This is good..." aniya at pumangalawang subo pa.
"Talaga? You like it?" natutuwa namang tanong ko sa kaniya.
"Yes. Masarap!" Tumango-tango pa siya, kitang-kita sa mukha na nasarapan talaga siya sa luto ko. Kinikilig tuloy ako. Worth it ang mga talsik ng mantika.
"Thank you."
Pinaghirapan ko iyan. Mabuti naman at nagustuhan niya. Nang matapos siyang kumain, nagprisinta na din ako na maghugas ng pinagkainan niya.
"You don't have to do that..." awat niya sa akin. Napakamahinahon ng boses niya at napaka-soft talaga niya. Hindi gaya sa pangit na iyon na malibog, burara at masama ang ugali.
At teka, bakit ko na naman ba naisip ang lalakeng iyon? Ang layo niya kay Lance!
"Oo nga pala, I am planning to buy a puppy," sabi ko. Isa ito sa naiisip kong paraan, para makuha ko ng tuluyan ang kaniyang loob.
Nagliwanag naman ang kaniyang mukha. "Akala ko hindi ka mahilig sa animals?"
"Who told you that? I love pets. I love dogs." Pero fish lang ang kaya kong alagaan. Not alagaan actually, dahil si Yaya ang taga-pakain ng dati kong fish sa aquarium sa aking room, kaso nagsawa ako kaya binigay ko na sa kaniya.
May allergy ako sa cats at dogs, pero nang bata pa naman ako iyon. Okay na siguro ako ngayon.
"Pero mas okay kung mag-adopt ka," he suggested.
"Adopt?" Iyong walang breed? Iyong astray dogs? I want a shitzu pa man din sana. Pero para kay Lance, okay.
"Okay. Where could I adopt?"
"May alam ako na shelter."
"Really?"
"Yup. Sasamahan kita bukas. May gagawin ka bukas?"
May imi-meet sana ako, pero puwede ko namang i-cancel iyon. Basta para kay Lance.
"Wala. I'm free tomorrow."
"Okay. Tomorrow then."
"Tomorrow is a date," anas ko.
"What?"
"Wala." Nginitian ko lang siya. Gusto ko pa sana siyang makakuwetuhan, pero hinahanap na ako ni Daddy. Plano niya akong isama sa pagbisita niya sa factory namin sa South.
He wants me to manage it, kaso ang layo nito sa bahay. And I want to start my own business, like Kuya.
May sinimulang business ni Kuya tapos bukod doon, mina-manage din niya ang kompanya na minana ni Mommy sa mga parents niya.
"May magbubukas na condo sa may intersection next year, puwede kong bilhin ang penthouse para sa'yo," pang-uuto ni Daddy sa akin.
Kinukumbinsi niya ako. Ayaw niya doon sa business na gusto ko which is a talent agency. Dalawang business ang gusto ko, talent agency and boutique for luxury brands.
Masyado daw magulo sa plano kong pasukin na mundo, kaya naman busy siya sa pag-formulate ng mga ideas upang ilayo ako sa gusto ko. Mag-ma-manage lang naman ako, saka wala naman akong planong maging model or what.
Hindi ko naman minamasama ang ginagawa ni Daddy. My Daddy loves me very much, and I understand why he's doing it.
"I don't know, Dad." Bumuntong hininga siya, pero nagawa pa din niya akong nginitian.
Bago umuwi ay nag-dinner na kami sa labas. Kami lang dalawa. May father daughter date kami, once a month, mother daughter date din twice a month and also me and my brother also have a movie date.
"Did you convince her?" bulong ni Mommy nang dumating kami. Of course, kung ayaw ni Daddy sa gusto ko, mas ayaw ni Mommy.
"Malapit na," sagot naman ni Daddy.
"Goodnight na po, Daddy and Mommy." Kailangan ko ng mag-beauty rest, dahil naalala ko na may date pala kami ni Lance bukas.
Maaga akong gumising kinaumagahan. Maaga ding pumunta dito ang hair and make up artist na h-in-ire ko for today's special day. Kailangang maganda ako sa mukha ni Lance ngayon.
I texted Lance kung ano'ng oras kami aalis. Sakto nang matapos akong ayusan ay nag-reply na siya. Ngayon na daw kami aalis.
Sa kotse niya kami sumakay. Mahaba-haba din ang byahe dahil traffic. I hate traffic, pero ngayon na kasama ko si Lance, na-appreciate ko ito.
Ang ingay ng mga dogs nang dumating kami. Mabaho. Magulo. May ilan pa na tinalon ako. Kamuntik akong mawiwi sa takot. Gosh!
Kailangan kong magpanggap na kalmado. Kahit na mukha akong constipated sa alanganing ngiti ko.
Basta para kay Lance, kahit ano gagawin ko. Magbubunga din ang lahat ng 'to. Soon enough, unti-unti ding mahuhulog ang loob niya sa akin.
"What a cute and lovely dog..." manginig-nginig na ang boses ko sa takot.
After one hour, uuwi na din kami ni Lance. Mabuti at puppy pa ang na-adopt ko. I can't handle iyong malaki na dog, dahil baka kagatin pa niya ako. Natatakot ako.
Dumiretso kami sa kaniyang clinic. Dito daw muna ang dog ng ilang araw. Hindi ko alam kung bakit pero pabor naman sa akin. Ibig sabihin ilang araw din akong puwedeng magpunta dito sa clinic niya, upang dalawin ang dog ko, kahit na ang totoo gusto ko lang naman siyang makita at makasama.
"Hey, kumain ka na muna. Kanina ka pa nag-wo-work." Lumapit ako kay Lance. Nilapag ko ang mga pagkain na in-order ko.
"Mamaya na," sagot naman niya.
"Hindi puwede ang mamaya." Sinubuan ko siya at wala siyang nagawa kundi kainin ang sinusubo ko sa kaniya. Kinikilig ako. Pakiramdam ko kaunti na lang, ma-i-inlove na siya sa akin.
"Thanks, Reigna."
"You're welcome. Lagi ka bang ganito? Hindi ka kumakain ng lunch?" tanong ko.
"Madalas..."
"Oh..." Kung ganoon, bukas pupuntahan ko siya ulit para pakainin. Sabi nga sa kasabihan, the way to a man's heart is through his stomach. Pakakainin ko siya araw-araw hanggang sa susunod ay ako na ang kakainin niya. Urgh!
Ano ba 'tong iniisip ko?
Nang matapos kumain si Lance ay iniwan ko muna siya saglit, para itapon ang disposables na pinaglagyan ng pagkain.
"Ouch!" Napatingala ako sa nakabanggaan ko. Napanganga ako sa gulat, pero agad ko ding pinaseryoso ang aking mukha. Ba't nandito 'to? Sana hindi na siya bumalik pa!
"Excuse me..." sabi ko dahil nakaharang siya sa daan, pero hindi pa din siya gumalaw. Nakataas ang kilay niya at base sa itsura niya ay hinuhusgahan na naman niya ako.
"I said excuse me!"
Binunggo ko siya kaso iniwasan niya ako kaya muntik akong mapasubsob. Nahawakan din naman niya ako agad. Mahina siyang tumawa kaya inapakan ko ang kaniyang paa.
Nakailang hakbang na ako nang marinig ko ang palatak niya. Nakatingin ito sa akin.
"Two timer..." Dinig kong bulong niya pero nagbingi-bingihan na lang ako. Hindi ako iyong na-wrong send. I don't know what he's talking about.
Pagbalik ko sa office ni Lance, nakaupo na si Bjorn sa chair sa tapat ng table niya. Hindi ko alam ba't nandito 'to. Panira ng moment.
"What are you doing here?" tanong niya nang makalapit ako. Dinala ko iyong dessert para kay Lance.
"She wants to adopt," sagot naman ni Lance.
"Really? So you're not afraid of dogs anymore? And you have allergies right?"
Huh? How did he know that?
Hindi ko siya pinansin.
"May naisip ka ng pangalan?" Lance asked me.
"Wala pa, e."
"Lalake?" Nakikisali naman sa upahan si Bjorn.
"Yeah."
"Bakit hindi na lang Derek..." Bjorn suggested.
What the hell?!
Iniinis niya talaga ako.
Pero hindi ko kilala si Derek. Hindi ako iyong na-wrong send.
"Hmmm... That's not a dog name. Mas okay pa ang Bjorn." Ngumisi ako. "Yun! Mas bagay ang Bjorn. Tutal para kang aso, malakas ang pang-amoy mo. Alam mong nandito ako kaya sumunod ka din."
Natawa si Lance.
"Is that true?" tanong niya sa kaniyang kaibigan.
Umiling naman si Bjorn pero hindi ito sumagot.