Ano'ng pinagsasabi nito? Pasimple ko siyang tinulak, dahil naaalibadbaran ako sa pagkakadikit niya sa akin. Nilapitan ko si Mommy, upang tanungin kung bakit niya ako pinababa. Gusto ko na talagang matulog. "Dumating ang fiance mo, kaya pinatawag kita." I wanted to roll my eyes, kaso may iba kaming mga kasama. Ilang minuto lang akong naupo at nagpaalam na ulit ako para umakyat na at matulog. Bahala na si Bjorn sa buhay niya. Late ako ng gising kinaumagahan. Katatapos lang pumirma ng contract ng mga Xiu. Naglalaro sila ng golf, kasama si Bjorn. Nandito pa din siya. "Bakit siya nandito, Mommy?" Nagtataka talaga ako kung bakit sumunod siya dito. "Syempre mapapangasawa mo siya, kaya dapat lang na nandito siya." "Hindi ka ba kinikilig man lang dahil sinundan ka niya?" nanunuksong tano