SUMILIP si Joseph sa niluluto ni Iris. “Hmm…smells good.” Aniya. Ngumiti naman si Iris at sumulyap sa kaniya. “Can you pass me the vegetable?” Agad namang kinuha ni Joseph ang gulay at ibinigay kay Iris. “Thanks.” Iris put the vegetable inside the pot and covered it. “Let’s wait until it will be cooked.” Aniya saka umikot paharap pero natigilan siya nang dibdib ni Joseph ang sumalubong sa kaniya. Hindi niya alam na nasa likuran niya pala ang lalaki. Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Iris dahil sa pagkakalapit nila ni Joseph. Dahil matangkad si Joseph, nag-angat siya ng tingin. Nagkatitigan silang dalawa hanggang sa ngumiti si Joseph saka pinisil ang pisngi niya. “You’re cute when you blush.” Mabilis na napahawak si Iris sa sariling pisngi. Ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi ni