DAYS have passed. Patuloy si Joseph sa ginagawang pahatid-sundo kay Iris. Dalawang linggo ng ganun ang ginagawa ni Joseph at nasanay na rin si Iris. Medyo naging komportable na rin siya sa binata at medyo napapanatag na ang loob niya rito. Joseph didn’t do anything inappropriate kaya naman panatag at komportable na siya kapag kasama niya ito. At sa tuwing may oras pa, kumakain silang dalawa sa labas. Ngunit hindi hinayaan ni Iris na si Joseph ang laging nagbabayad. Ipinilit niya na salitan silang dalawa. Ayaw pa sana ni Joseph noong una pero pumayag rin ito ng makita nito ang seryosong mukha ni Iris. “For you.” Wika ni Joseph saka ibinigay ang itim na box kay Iris habang nasa sasakyan sila. Kahahatid niya lamang sa dalaga pero hindi na muna niya ito pinababa. Nagtaka naman si Iris. “