NASAPO ni Iris ang ulo nang gumising siya kinaumagahan. Nagtaka pa siya nang makitang nasa loob siya ng kwarto ni Joseph. Nagtaka siya kung papaano siya nakarating doon. Bumangon siya habang sapo-sapo ang kaniyang ulo. Sobrang sakit ng ulo niya. Hindi naman marami ang nainom niya kagabi. Inaalala ni Iris ang nangyari kagabi. Ang tanging maalala niya tumawag sa kaniya si Joseph. Pagkatapos ay naghintay na siya sa labas ng bar at hindi na siya pumasok sa loob. Then her boss, David, approached her. Napahawak agad si Iris sa dalawang braso. Ramdam niya ang pwersa ng kamay nito sa braso niya. Tinignan niya ang sarling braso. May marka doon ng kamay. Napabuntong hininga na lamang siya. “Did Joseph save me?” “You’re awake.” Iris was startled and gasped when she suddenly heard Joseph’s voice.