ROSE sighed as she stared at Iris’ apartment. Ikalimang beses na niya itong balik sa apartment ng kaibigan ngunit wala pa ito. Nag-aalala na siya. Dalawang linggo ng hindi pumapasok si Iris sa trabaho at nagtataka na ang mga katrabaho nila. Wala naman siyang mapagtanungan na kamag-anak ni Iris dahil wala naman siyang kilala. Pati si Austin, dalawang linggo na rin itong hindi pumapasok. She was really worried about Iris. Tinatawagan niya ito ngunit hindi niya ma-contact ang cellphone ng kaibigan. Ayon sa napagtanungan niya sa katabing unit ni Iris, dalawang linggo na rin daw itong hindi nila nakikita. Did something bad happen to her? She had already reported it to the police but until now there was no result. Hindi raw nila matukoy kung nasaan ang kaibigan niya. “Iris, nasaan ka na ba?”