Ilang oras ang ginugol ni Raphael sa pagtatrabaho. Inantok nga rin ako dahil sa katahimikan at natulog na lang ako sa sopa sa tabi. Nang magising ako ay palubog na ang araw. Ang unang natanaw ko naman ay ang malapit na mukha ni Raphael dahilan upang mataranta ako. Nang napansin niyang nakamulat na ang aking mga mata ay bahagya siyang umurong. "Um, you're awake." Magsasalita sana ako ng obviously ngunit natigil ako dahil sa nakadikit na teyp. I hissed. Damn. Ilang oras na ba ang teyp na ito sa aking bibig? "I'll take the tape off." Bago pa man ako makasagot ay walang sabi niyang hinila ang teyp paalis sa aking mukha. Ang agad kong nadama ay ang kalamigan ng balat na natakpan at ang paghapdi nito. Pakiramdam ko sumama ang balbas ko! Oo, may balbas ako kahit na babae ako! Pero hindi naman