Ah! Sino nga ba ang nagsabing walang kainsu-insulto sa kanya? Mayroon! Tulad na lang ng hindi siya maginoo. He's not a gentleman! He is the perfect definition of dead chivalry! Hindi lang iyon, hindi siya marunong ngumiti at para siyang robot na walang emosyon! He is cold! Tama, napakalamig niya at tigas! Kung yelo man siya, hindi siya kailanman matutunaw! And that's what I love about him... he is cold, yet deep inside, he is warm... Lucent! You're back at praising him again! "May pupuntahan ka?" Tanong ko matapos ang ilang segundong katahimikan. "Oo." Matigas na sagot niya. Tumaas ang kanyang kamay at bahagyang sinuklay patalikod ang buhok gamit ang mga daliri. Dahil sa kanyang ginawa ay umangat ang kalamnan ng kanyang braso aat nakasilip ako sa kilikili niya. I gulped. Bumaba ang kanya