Tumigil sina Raphael at Mavis sa daungan ng La Mayor, bumaba agad ang dalawa sa kotse at pinagmasdan ang karagatan. Lumapit si Raphael sa isa sa mga mangingisdang mukhang lalayag na upang maghanap-buhay. "I'm buying your boat." Anunsyo niya sa mangingisda. Kumunot naman ang noo ng mangingisda dahil sa sinambit sa kanya ni Raphael, inisip ng matanda kung nahihibang na ba ang lalakeng nasa harap niya ngunit seryoso lamang ang mukha ni Raphael at walang bakas ng biro roon. Ilang sandali ang lumipas at kinapa ni Raphael ang kanyang bulsa. Nakuha naman niya ang kanyang pitaka. Walang lamang pera ang kanyang pitaka kundi ang debit card lamang at ang itim na card. He took the black card and was about to give it to the fisherman when Mavis stopped him. "Ako na." Mavis interrupted. She unzipped h