"I'm sorry. Alam kong wala akong kwentang ina. Ang tagal kong natauhan. Kinailangan pang makulong ako, bago ko ma-realize ang mga kamalian ko, lalo na sa inyong magkapatid. Aaminin ko, nilamon ako nang ingit sa inyo mismo na mga anak ko. Hindi ko iyon dapat naramdaman, pero lunod na lunod ako noon. Bakit sa inyo, kayang subukan ng ama ninyo na maging mabuti. Pero sa akin hindi n'ya magawa. Minahal ko ang ama n'yo, pero hindi n'ya nagawang suklian ang kabutihan ko sa kanya. Nasagad ako, pati kayo dinamay ko." Pinagmamasdan ko lang s'ya. Habang humihingi nang tawad at lumuluha. Hindi ko s'ya inalo, gusto ko kasing makinig muna sa mga sasabihin n'ya. Magiging sarado lang ang usaping ito kapag pinag-usapan namin ang issues namin. Tiyak na nakapag-usap na sila ng kuya ko. Kaya ako naman ang