Walang natakot sa banta naming pasasabugin ang bomba. Nakuha pa ngang magsipasok ng mga armadong lalaki at saka kami akmang lalapitan sana ngunit sumigaw ako. "Walang lalapit. Sasabog tayong lahat." Kasunod nang pagsigaw ko ay nakita kong papasok si Yko Aragon, s'ya nga ba? Baka si Yllas. Hindi ko na alam. Litong-lito ako. "Sino ka?" tanong ko sa lalaki. "Umaasa ka bang makita si Yko rito? Of course, hindi namin pagbibigyan ang gusto mo. Tumigil ka na sa pangugulo. Last chance, dahil kung hindi ka pa magtino, sa kulungan talaga ang bagsak mo." "Bakit naman ako makikinig sa 'yo? Tulad lang din naman kita. Pareho lang tayong nasa putikan, nabihisan ka lang ng maganda." "Miss Zaynel, magkaiba tayo. Ikaw hindi ka gusto ni Yko na maging parte ng buhay n'ya, ako gusto n'yang maging part