"Kaya ka hindi tumatanggap ng mga proyekto dahil buntis ka? Iyon ba ang dahilan? Talagang gusto mong sirain ang career mong bata ka?" hindi pa man nakabawi si Lolo at Kuya, pero si Mommy ay nanggagalaiti na sa galit. Ano bang ginagawa ng babaeng ito rito? "Sisirain mo na nga lang ang career mo, bakit hindi pa roon sa taong pwede kang matulungan makapasok sa showbiz? Ang tanga mo, Bible Vera." Magsasalita na sana ako nang mas nauna si Kuya Soul. "Sino ka para pagsalitaan ng ganyan ang kapatid ko?" "Nanay n'yo ako." "Nanay? Kailan ka pa naging Nanay sa amin ng kapatid ko?" "Huwag kang magsalita ng ganyan. Wala kang alam." Sigaw rin ni Mommy. Hindi ko alam kung saan ito nakakakuha ng lakas ng loob na magpabalik-balik sa buhay namin samantalang nakuha na n'ya kaming iwan noong bata pa k