"Yko, patawad sa gulong ibinibigay ng kapatid ko sa 'yo." Pagkatapos namin sa station ay rito kami dumeretso ng lalaki sa safe house. Si Yllas, isinama na nila Tita. Mamaya ko na lang siguro panonoorin ang interview sa kanila. For now, inuna talaga naming puntahan ang mag-iina na patuloy ang pag-iyak kahit umalis na kanina pa si Zaynel. Nasabi na namin dito ang naging ugnayan nito kay Steve, iyong taong nanggugulo sa amin. Pati na rin ang iba pang ginawa ni Zaynel para lang mawala ang tiwala ko kay Yko. Ngayon, ito ang nanghihingi ng patawad. "Hindi mo kailangan humingi nang patawad, Len. Wala kang kasalanan." Seryosong ani ng lalaki sa aking tabi. Nakatulog na sa kwarto ang mga bata kaya malaya kaming nakakapag-usap dito sa sala ng safe house. "Hiyang-hiya ako. Hindi ko akalain na i