THREE MONTHS LATER…. Habang magkatabi silang mag-asawa ay hindi mapalagay si Nick. "May nag papagulo ba sa isipan mo at hindi ka makatulog?" narinig niyang tanong ni Amirah. "Bakit mo natanong sweetheart?" "Mula ng lumabas ako sa ospital ay napapansin ko na lagi kang balisa. At kahit pilitin mong itago ay hindi mo iyon maikakaila sa akin. Asawa mo ako at hindi iyon malilihim, nararamdaman kong may hindi ka sinasabi." "Ahm… sweetheart, m-may tanong ako." "Sige magtanong ka at sasagutin ko." "P-Paano kung meron problema tapos involve ang isa nating anak. A-At kailangan may gagawin ako para sa kaligtasan niya. Papayag ka ba o makakaya mo kaya akong unawain?" "Ano ba yon, Nick? Meron ba akong hindi nalalaman?" "Kung sakali ba na hindi ko muna masasabi sayo ngayon. Dahil kahit sabihin

