NAKATAYO lang si Amirah, ang malawak na living room ay napaka elegante. Lumaki siya sa kinikilalang pamilya at mayaman din ang mga iyon ngunit ‘di hamak na mas mayaman pala ang tunay niyang pamilya. “Padre! Anong maipaglilingkod ko at napasyal kayo nang hindi man lang nag sabi?” “Hugo Conception, tigilan mo ako sa pagtawag ng ganyan. Alam mong matagal ko ng iniwan ang propesyon kong ‘yon.” “Ito naman hindi na mabiro, halina kayo doon tayo sa lanai, Lita, paki dalhan mo kami ng maiinon. Sa akin ay black coffee. Kayong mag-asawa feel at home nag break fast na ba kayo?” "Tapos na kami." "Okay, ako na lang Lita." “Sige po, Sir Hugo.” “Nasaan pala ang kuya mo?” “Baka tulog pa, late na ‘yon nakauwi kagabi.” “Halina kayo doon tayo sa labas, alam kong mahalaga ang lakad na pinunta ninyo r

