BACK to normal ang lahat sa kanilang pamilya. Wala ng balakid sa buhay nila kaya naman sikretong pinapaimbestigahan ni Nickolas, kung saan naka-libing ang ina ni Camilla Cecelia. Bilang kapalit ng ginawa nitong sakripisyo upang tuluyang mawala ang mga taong masasama. Mga taong matagal ng nagpapahirap sa kanilang pamilya. Ang huling balita niya kay Carmella, matapos ang pagkamatay ni Leo Araneda ay ito naman ang binawian ng buhay. Ngunit hindi siya sa sakit namatay kundi may pumatay dito. At ang kanyang duda ay isa sa mga tauhan ni Leo Araneda. Tinupad ni Carmella, ang deal nito kay Leo Araneda. Kaya naman ay tutuparin din niya ang deal kay Camilla Cecelia at isa sa kanyang anak. Sa ngayon ay mga bata pa naman sila kaya hindi pa niya iyon maipapaliwanag sa anak na napipisil nilang mag-as

