NAKATAYO si Nickolas sa harapan ng pintuan pagkatapos pindutin ang doorbell. “Brother? Bakit ganyan ang mukha mo para kang natalo ng billions?” alam niyang biro iyon ng kapatid pero hindi siya natawa. “.... halika pumasok ka, kumain ka na ba?” “Wala akong gana.” “Ano pala ang lakad mo at ganitong oras ay naririto ka? Pwede mo naman akong tawagan lang sa cellphone, pero sumugod ka pa talaga dito.” “W-Wala naman Kuya Niko, gusto ko lang na maka bonding ka.” “Humn… may problema ka ano?” “Bakit hindi ba maaari na makipag kwentuhan lang sayo ng wala akong problema?” “I know you, maliit pa lamang tayo ay ganyan ka na. Lalapit lang sa amin ni Kuya JB, kung nasasaktan o may mahalagang sasabihin.” Natatawa na lang siya sa kapatid, tama naman ito ganun talaga siya. “Pwede ba natin tawagan

