HABANG unti-unting nawawalan ng malay si Nickolas, naluluha siya sa maaaring mangyari sa kanyang asawa. Hindi niya iniisip ang sarili kundi si Amerah, ang pinakamamahal niyang kabiyak. At bago pa magdilim ang lahat ay nagawa pa niyang ipagdasal ang kaligyasan ng asawa. "Dalhin sila sa bodega at siguraduhin na hindi makakawala!" "Masusunod bossing." Itinali silang magkatalikuran sa dalawang silya pagkatapos ay ni lock ang pintuan. "Ano kaya nag plano ni bossing sa dalawang yon? Kung ako lang ang masusunod ay papatayin ko na ang lalaki at pagsasawaan muna iyong babae bago iligpit." "Huwag kang magslaita ng ganyan, adopted sister ni bossing ang babaeng yon. Baka pag narinig ka ay gilitan ka n'on ng leeg." "Ampon naman pala eh, ang importante hindi sila magkadugo." SA loob, nagkamalay n

