"Hmmm.. Zylie.. ang bigat mo," Hindi ko magawang imulat ang mga mata ko dahil parang may nakapatong na bato dun. Sumasakit din ang ulo ko at parang pumipintig yung sentido ko. Bakit ko ba naman pinatulan sila Miss Lizzie e parang mga sugapa yun sa alak. "Zylie.." Sinubukan kong tanggalin yung braso niya dahil ang bigat-bigat talaga pero nung naramdaman kong mapintog yung braso n'ya, kahit hindi ko pa kaya, pinilit ko talagang dumilat. At kulang na lang sipain ko 'tong gwapong katabi ko at magsisigaw kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko. Bukod sa parang ginagamitan ng barena yung ulo ko sa sobrang sakit, wala na namang ibang masakit sa akin atsaka, hanggang baba yung kumot na nakabalot sa akin habang nasa labas ng kumot si Iñigo at nakadantay yun