"Yto.." Mangiyak-ngiyak kong tawag. Napatingin sa akin ng wala sa oras si Yto. Napatayo pa siya at alalang-alala na lumapit sa akin. "Anong problema, Lana? May masakit ba sa'yo?" Ikinulong niya yung mukha ko sa mga kamay niya at ibinaling yun sa kanan at kaliwa, tinitignan kung may sugat ako o kung ano mang ginagawa n'ya. "Nagugutom ako." Nahihiyang sabi ko. He sighed in relief. "Akala ko naman kung anong nangyayari sa'yo." Inangat niya yung landline niya bago humarap ulit sa'kin. "What would you like, fastfood, italian, chinese food, streetfoods? Masarap yung isaw sa labas." Nate-tempt ako dun sa isaw kaya lang, hindi pwede.. "Imaginary foods." Tinitigan niya ulit ako bago niya ibinalik sa receiver yung landline. "There's no such thing as imaginary food." Nakangiting sabi niya. "A